Bakit nga ba?
Kahapon may nabasa akong blog entry patungkol sa pagsusulat. May isang bahagi roon ng kanyang isinulat kung saan tinanong sya kung bakit ba sya nagsusulat. Sabi nya, nagsusulat sya pag masaya sya, pag nalulungkot sya, at lalo na pag inlove. Bakit nga ba ako nagsusulat? Bakit at para saan at kanino? Natawa ako sa mga salitang nabasa ko, ngunit ako'y sumasang-ayon dahil maging ako sa sarili ko ganun ko din sinimulan ang aking pagsusulat. Hindi ko rin naman maitatanggi na doon din ako kumukuha at humuhugot ng ideya at letra sa kung ano man ang aking nararamdaman.
Tama naman diba? Halos lahat naman ata ng manunulat at ayon sa kanilang mga libro, kung hindi base sa kanilang karanasan, ay base naman sa kanilang pakiramdam at maging sa kanilang imahinasyon.
Hindi ganoon kalawak ang aking imahinasyon kung saan kaya kong mag-isip ng mga bagay na gaya ng mga nauuso ngayong mga mahika at mga bampira kaya idadaan ko na lang sa emosyon at karanasan.
Gusto kong magsulat dahil ito lamang ang paraan kung saan kaya kong ibahagi ang sarili ko, at kung ano man ang tumatakbo sa isip ko. Minsan (o madalas pa nga) iba ang nakikita ng mga taong nakapaligid sa'kin at hindi nila inaakalang may ganito pala akong bahagi sa aking utak (maging ako, wala din akong ideya). Sa mga oras na ito habang ako'y nagsusulat, muli kong inaalala kung kelan ko ba nasimulan ang pagsusulat? Malaking bahagi nito ang isa sa mga kaibigan ko, sya ang nakapagpa-engganyo at nagbigay ng lakas ng loob sa'kin upang magsulat. Kung wala sya, marahil hindi ko pa din alam kung ano pwede kong maging hingahan sa tuwing napapaisip ako ng iba't-ibang bagay.
0 comments:
Post a Comment
Wanna give me some cookies?