Wari ko lamang
Mahirap maisa-titik ang mga bagay na bihira o minsanan mo lamang maramdaman at maranasan. Ni wala ka ngang maibulalas maging sa iyong sarili at ang iyong utak ay nagugulumihanan sa mga bagay at maging sa sitwasyong walang anyo gaya ng hangin, nararamdaman ngunit 'di nakikita ng iyong mga mata.
Nangungulila ako sa mga iilang taong kadalasan kong nakakadaupang-palad 'pag dating sa mga ganitong konsepto ng usapan; Ang pagsasalarawan ng aming mga damdamin.
Ang mga ganitong sandali ng aming pag-uusap ang minsan nagdudulot sa'king sarili na magsiyasat sa mga bagay-bagay na ni-minsa'y 'di sumagi sa aking isip. Sila ang mga taong nakakaunawa ng mga salitang hindi ko maipahayag sa iba. Konserbatibo man o liberal, bukas ang aming mga isipan na tanggapin ang opinyon ng bawat isa hanggang sa mauwi sa tawanan at imahinasyon.
Nais kong magkaroon muli ng ganitong momento ang bawat isa sa'min sa gitna ng sagad-sagarang trabaho.
0 comments:
Post a Comment
Wanna give me some cookies?